02/09/2026
⚠️ SCAM ALERT: MAHALAGANG PAALALA MULA SA COMPRIME RICE TRADING ⚠️
Mga Suki at Customer ng Comprime Consumer Rice Trading, nais po naming ipabatid sa inyo na may nagaganap na bagong modus ng panloloko ngayon. May mga scammers na nagpapanggap na Sales Representative natin sa text o chat, at nagpapanggap din na kamag-anak ng tunay na oorder at gumagamit sya ng pangalan ng iba at negosyo ng iba.
Pinalalabas ng scammer na para sa kanyang "kapatid" o "kakilala" ang bigas, ngunit ang totoo ay binibigyan niya ng ibang presyo ang biktima at pilit na pinasasend ang bayad sa SARILING GCASH NG SCAMMER.
Upang hindi po kayo mabiktima, laging tandaan ang aming Official Payment Rules:
Opisyal na Numero: Makipag-transact LAMANG sa aming opisyal na numero: (0917) 179 7210 at 0917-166-0718. Kung hindi ito ang numerong tumatawaga at nagtetext sainyo, HUWAG po itong paniwalaan agad maiging siguraduhin kung sino ang iyong kausap.
Direktang Transaksyon: Ang Comprime Rice Trading ay DIREKTANG nakikipag-ugnayan sa kung sino ang tatanggap at magbabayad ng bigas. Huwag makikipag-usap sa mga "middleman" o nagpapanggap na kapatid/kamag-anak ng oorder.
I-verify ang Presyo: Kung kayo ang tatanggap ng delivery, siguraduhing tugma ang presyo na sinabi sa inyo sa opisyal na presyo ng aming delivery team. Huwag mahihiyang magtanong sa aming rider bago magbayad.
Opisyal na Mode of Payment: Tumatanggap lamang kami ng GCash, Bank Transfer, at Cash on Delivery (COD).
Suriin ang Pangalan sa GCash/Bank: BAGO mag-send ng bayad sa GCash o Bank Transfer, tiyaking ang pangalan ng account ay tugma sa pangalan ng aming Authorized Management o opisyal na pangalan ng Comprime Consumer Rice Trading. HUWAG magpapadala ng pera sa numero ng cellphone na ibinigay lang ng kung sinong nag-text sa inyo.
🛡️ Babala: Ang Comprime Rice Trading ay hindi pananagutan ang mga transaksyong ginawa sa labas ng aming mga opisyal na numero at page. Mag-ingat po tayo upang hindi masayang ang inyong pera at pinaghirapan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta!