14/09/2026
Handa at gayak na ang 𝑴𝒂𝒕𝒆𝒓 𝑫𝒐𝒍𝒐𝒓𝒐𝒔𝒂 ng The Roman Catholic Parish of San Santiago Apostol, Paete, Laguna para sa gaganaping prusisyon bukas sa Kapistahan ng Hapis.
"Yamang ikaw Inang Mahal
nagtiis ng kahirapan.
Kami iyong kaawaan,
sa Hapis mo alang-alang."
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng hapis,
ang nagpakasakit na ipinako sa krus ay sumasaiyo,
bukod Kang namighati sa babaeng lahat
at tanging kaisa Ka naman sa Mahal na Pasyon
ng Iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Manunubos,
bahaginan mo kami ng iyong pagpapakasakit,
Ipanalangin mo kaming mga makasalanan
na naging dahilan ng pagkapako Niya sa krus
ngayon at sa oras ng aming kamatayan.
Amen.
Camarera: Chippy Fresnido at Pamilya
🌸Gayak by Gnel Fleur Creations
✂️Assisted by Paete Boys, Mark Afuang DM, Aljon Notario, Roland Welgas Juarez and Zyro Principe Ilao, James Margaux, Jung Oarga, Kuya Beto, Mathew Aseoche