07/09/2026
New Artwork ✨
Bilao Painting
Title: Diwa ng Guilingan para sa
Medium: Acrylic Painting
Ang obrang ito ay sumasalamin sa mga pangunahing aspeto ng Guilingan Festival, makikita dito ang Guilingang Bato na siyang simbolo ng Bayang Siniloan at ang mga pangunahing produkto na meron dito. Masasalamin din ang isang buong Pamilya na nakikiisa sa padiriwang ng festival. Ang mga pangunahing hanap buhay ng mga Siniloeño ang pagtatanim at pangingisda. Makikita din sa obra ang mga tanyag na imprastraktura gaya ng Simbahan at Munisipalidad. Ang Siniloan ay tanyag sa mga naggagandahang Talon kaya ipinakita din sa obra ang Talon na dinarayo at ipinagmamalaki ng bayan ng Siniloan. Ang diwa ng Guilingan ay hindi lamang patungkol sa magarbong selebrasyon ng festival bagkus ito ay patungkol sa mga kaugalian, pagmamalasakit at pagtutulungan ng mga Siniloeño. Ang Guilingan festival ay may dulot na ligaya sa bawat Pamilya at higit sa lahat ang diwa ng guilingan ay nagdudulot ng pag-unlad, pagmamahalan at pagkaka buklod ng isang Pamilya.