08/04/2026
Matuto po tayong magcheck kung legitimate ba yung binibilhan nyo ng mga balisong nyo mga mam/sir. Pwede nyo po icheck sa page na Balisong Batangas ang opisyal at legitimate na balihouses at page na nagbebenta ng balisong.
Nakakadismaya na nadamay ang page ko sa napapagkamalang scammer.
Makikita nyo sa mga larawan na yan ang comments ng mga taong nabiktima ng scam at nagke-claim na dito sila sa page ko bumili ng balisong. Na hindi ko kailanman nakakatransact pa.
At malabo talagang sakin bumili yan. Makikita po dyan na J&T express ang courier. Ni minsan di po kame nagpadala dyan dahil LBC at Lalamove lang po kame nagpapadala ng mga balisong na binibili samin online.
Maging mapanuri po tayo at wag po kayo kung kani-kaninong page comment ng comment.
Matagal pong inactive ang fb page na ito dahil nagmeron po ako ng isang pormal na trabaho kaya di ko naasikaso ang mga inquiries ng mga nagchat dito sa page.
Iwasan po nating magpasilaw sa murang halaga ng balisong dahil presyo palang di na kapani-paniwala. Maging maingat mapanuri sa bawat makakausap nyong balisong seller. Salamat po.