03/09/2026
Say hello to Frietz! π₯°π
Ilang araw ko siyang napapansin na dumadaan at tumitigil sa harapan ng store namin. Inaya ko siyang pumasok para makapili ng drinks pero nahiya at umalis. Kinabukasan, bumalik siya at nasa labas lang ng store namin ulit, inaya ko siya ulit papasok at ayun hindi na siya nahiyang umorder at sabi niya na papicture raw at sabi ko naman βsure πβ
First time ko lang siya makitang bumili sa amin pero alam niya na may pa-picture at post sa page namin. Napagtanto ko na baka silent follower siya at ngayon lang nagkalakas ng loob na pumunta sa amin.π
Kaya naman ka-suki, wag mahiyang pumunta sa amin anytime, may bibilhin man kayo o wala. We are always excited to see you visit here at our store! π₯°π«°