18/02/2026
Mamamatay ang negosyo mo kung hindi mo masolusyunan ang 3 bagay na ito.
Hindi ito drama.
Maraming negosyo ang hindi namamatay dahil kulang sa sipag.
Namamatay sila dahil kulang sa linaw.
Pwede kang masipag.
Pwede kang hands-on.
Pwede kang mabait na boss.
Pero kung hindi malinaw ang tatlong ito,
unti-unting mauubos ang negosyo mo.
Una: Walang malinaw na direksyon.
Ano ba talaga ang goal?
Growth ba?
Stability ba?
High profit ba?
Kung hindi malinaw ang target,
magulo ang takbo.
Kapag iba-iba ang priority buwan-buwan,
nalilito ang team.
At kapag nalilito ang team,
bumababa ang performance.
Pangalawa: Walang malinaw na accountability.
Kapag may sablay, sino ang accountable?
Kapag may target na hindi na-hit,
may consequence ba?
Kung lahat pwede,
walang seryoso.
Kung walang malinaw na owner ng resulta,
ikaw ang automatic na sasalo.
At kapag ikaw ang laging sasalo,
hindi lalaki ang team mo.
Pangatlo: Walang malinaw na sistema.
Umaasa ka sa sipag.
Umaasa ka sa diskarte.
Umaasa ka sa presence mo.
Pero kung mawala ka ng isang linggo,
kikita pa ba ang negosyo mo?
Kung hindi,
ikaw ang system.
At kapag ikaw ang system,
ikaw ang limit.
Negosyo na walang direksyon,
walang accountability,
walang tamang sistema…
hindi namamatay agad.
Unti-unti lang.
At madalas, huli na bago mo mapansin.
Effort keeps you busy. Structure keeps you alive.
💡 EDTF Reminder:
📌 Clarity prevents chaos.
📌 Accountability drives results.
📌 Systems sustain growth.