13/11/2026
Ang paglobo ng pintura o "blistering" ay kadalasang resulta ng water seepage o ang pagkatas ng tubig na nagdudulot ng pagkawala ng kapit ng pintura.
Mainam na hanapin at ayusin muna ang mga posibleng pinanggagalingan o source ng tubig sa pader. Maaaring mga cracks sa exterior walls, sirang linya ng tubo, mga butas, at/o iba pa. Kinakailangan ayusin muna ang mga ito, bago mag-repainting. Posibleng magpabalik-balik ang paglolobo kung hindi muna ito maaayos.