15/11/2023
| Hot topic sa social media ang pagkadismaya ng Scottish vlogger na si Dale Philip nang mapansin niyang ginagawa raw "personal office" ng ilang Pilipinong customers ang isang sikat na coffee shop sa Pilipinas, mapa-estudyante man o nagtatrabaho na.
Iyan daw ang napansin niyang "coffee shop culture" sa Pinas. Ang ibang customers daw kasi na gustong maupo upang uminom ng kape o kumain ay hindi makaupo dahil maraming customers na naka-laptop pa sa mga mesa, at kay tagal pang umalis kahit ubos na ang biniling inumin, literal na nakatambay na lang.
Ikaw, anong hanash o kuda mo tungkol dito? I-share mo na 'yan at makisali sa BaliTaktakan!
MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/11/13/afam-na-vlogger-dismayado-coffee-shop-sa-pinas-ginagawang-personal-office/