10/11/2023
Mamaya na po ang LAST LIVE natin mga sissy. ❤️ thankyou po sa lhat ng nag support saamin mula nong 2019 ❤️
story time:
nag start yong pag sell namin ng Bayong nong may nag- loko sakin na Reseller sa ukay 😂 super na stress ako, lagi ako nagmumukmok hindi ako binayaran ng 38k.. (til now nman di n binayaran)... yung pagkalungkot ko na yun sabe ko oiiiii hindi pwede. Ako mawawlan ng BENTA. so niyaya ko asawa ko na. Bibili ako bayong don., mgBEBENTA AKO. THEN AYUN GO NAMAN SYA 😂😂
(ENDING, mas madami pa sya na SUPPLY-an sa MALLS, kesa SAKIN)
🍬TINAMAAN LANG TALAGA NG PANDEMIC YUNG BENTAHAN🍬
✅️sa pagbebenta namin na ito. Andami din naging problem, hindi ma meet un demand namin non..ksi ang dami, as in sobrang daming kumukuha.. tapos naglilive pa kami.. tapos big PROBLEM PA gusto ko yun kuhaan ako lang PRIORITY (kaya pag nag order ako, PASABOG TALAGA!) Pero hindi naman yon pwede, na ako lang ang PRIORITY (yes BAD yorn, pero wala eh, inaamin ko naman un ugali na yorn HAHAHA)
✅️isa pa ring RASON BAKIT nag Bayong..... wala akong bag palagi (HINDI AKO MAHILIG SA BAG), yung pera ko or ano man gamit, nakalagay lagi sa PLASTIC LABO. 😂
(tamad kasi ako na mag BAG, pahirap may zipper, zipper... gusto ko sana yung isang HUGOT lang ) nagsearch ako, ano nga ba yung madaling bag 😂😂 so ayun na nga.
✅️YUNG bahay namin before, wala na kami space kundi bayong na lang laman, hanggang bubong 😂, sa pagkaka stress ko na yun.. nauwe sa pagiging HOARDER.
pag nakabenta. Bayad lang lahat ng bills then lahat ng SOBRA PANG PAGAWA NA NG BAYONG.
❤️Madaming bills ng naitawid nitong Bayong na ito.
❤️madaming na meet na tao, madaming meetings and contracts na hindi ko pinirmahan 😂😂 (ang hahaba po kasi ng mga kontrata nyo, sa susunod, p**i simplehan) HAHAHAHA
❤️SUPER SAKIT NETONG PART NA TO, na eto na, sabihin ko na eto na ang LAST LIVE KO, kasi minahal ko talaga yung BAYONG, as in. Kaya lang hindi ko na po kaya, gawa ng ibang item din na binebenta ko... And wala na talaga ako space para sa BAYONG.. malay mo sa susunod ulit? HAHAHAHA (Habang tinatype ko to, naiiyak ako HAHAHAHA, seryoso)
☑️ang dating noh? Nagbenta lang talaga ako.. pero ung Bayong yung naging way para maka move- on nga ako sa pagkamukmok dun sa may utang sakin 😂😂 HEALING KUMBAGA. libangan lang..sana. pero naging ADDICTION ko sya. 😂😂😂 Ang ganda naman kasi!!!!!
Thankyou sa lahat ng naging buyers namin, thankyou sa family ko sa paghelp (nanay/tita lani/janine/jinjin - sa pagbebenta ng malala talaga😂😂)
Kay Jerizaabc na napaka supportive din mula simula pagkuha pa lang noon, pag model, HAHAHA pagpack noon. Til now kasama ko sa paglilive. GRABII ❤️
Sa asawa ko na super supportive mula una. Pagdrive, pagpickup, paglinis ng bayong, pagpack. Ksama ko rin mula simula. John Joseph Herras
Sa 2 kong anak na taga model. 😂😂 at kasama sa lahat ng pickup ng bayong at sa pagtiis sa sikip and kalat ng bayong sa bahay. 😂😂
To tito Bert din pagsama samin palagi sa pickup and tiis sa sikip na dulot ng bayong 😂
Sa mga friends ko na napaka solid ❤️ salamat.
Sa mga suki/buyers/resellers/online friends. Salamat sa suporta. ❤️
Edited: SYEMPRE BIG THANKS SA SUPPLIER/S KO NG BAYONG. AND SA MGA GUMAGAWA NITO. DKO MAN PO MAMENTION ❤️ ALAM NYO NA PO IYAN. KUNG WALA PO KAYO, MAS WALA PO ITONG JOURNEY KO NA ITO.. KAYO PO TALAGA ANG BIDA DITO ❤️ SALAMAT ❤️
BASTA LAHAT NG NAGING PART NG BAYONG NA ITO. SALAMAT ❤️
andami ko naiyak, andami ko na pagod, andami ko nasugat sa PAGBABAYONG ko. 😂😂 pero alam mo yun? Ang SAYA SAYA ko dito. 😂😂 kaya ANSAKIT SAKIT nong LAST LIVE 💔