07/09/2026
Happy Birthday, Mayor Allan de Leon! 🎂
Maraming salamat po sa mga sinimulan ninyo at sa mga pintong binuksan ninyo para sa aming garment community. May mga pagkakataong ang isang opportunity lang ang kailangan para magsimula—at naging bahagi po kayo ng pagbibigay sa amin ng pagkakataong iyon.
Ngayon, hindi na kami ang dating nangangailangan ng gabay sa bawat hakbang. Natuto na kaming tumayo sa sarili naming mga paa, lumaban, at bumuo ng sarili naming landas. Pero kahit gaano pa kami kalayo makarating, hindi namin makakalimutan kung saan nagsimula ang ilan sa mga pagkakataong nagdala sa amin dito.
Maraming salamat po sa tiwala, suporta, at mga pintong minsang binuksan ninyo para sa amin. Mananatili po ang aming pasasalamat.
Happy Birthday, Mayor! Wishing you good health and more years of making a difference in the lives of others. 🙏❤️