20/04/2024
Good day kaPEDs π π΄π¨
βοΈπ Long Post PART 9.. dahil nga noong mga panahon na yon eh patuloy yung pagtaas ng demand sa amin ng CHENG SHIN TIRE or CST dual sport size 4 tire, mula sa kinukuhanan namin na tindahan ng FORD CASTER sa Tomas Mapua St Sta Cruz Manila, sinubukan na namin mag angkat sa ibang bansa para sana mas kumita kami since madami naman na yung volume ng order na kailangan namin ma meet. Noong una nag focus lang kami sa Tire at interior, kapag may ibang item na hinahanap sa amin na wala kami ibinabato namin sa shop ni Sir Ariel ng Giftwillsent shop or sa may Road Runner Malate Manila. Hangang sa paunti unti sinubukan namin mag carry na ng mga madalas ng hanapin din sa amin gaya ng clutch, spark plug, air filters at mga pull start. Tapos niyan nadagdagan na ng nadagdagan yung mga spare parts na naiaalok namin sa page at sa mga groups. Maipagmamalaki ko talaga na isa kami sa nauna na mag benta na ang presyo eh malapit sa katotohanan, yung hindi pikit mata bibili sayo ang customer dahil ang hapdi sa mata ng presyuhan. Well kasi nga unang una eh wala naman kaming physical store, tapos since may regular naman akong trabaho, hindi ko kailangan ng sobrang laking tubo para sa mga naging paninda namin, makakuha lang ng konti eh sapat na, SA TOTOO LANG NAGING ADHIKAIN KO NUNG UNA EH MAGKAROON NG OPTION ANG MGA CONSUMER NA MAKAKUHA NG MAAYOS NA PYESA SA PRESYONG KAYANG KAYA NILA. SABI KO NGA BALANG ARAW MAY SASABAY SA AKIN AT SANA MAY MGA GUMAYA NA PANG MASA ANG PRESYO. hindi para maging competition sa iba bagkus eh para maging batayan ng presyuhan na makatotohanan. Noong bago kasi ako isa ako sa mga kamot ulo na bumibili ng kailangan kong spare parts wala eh limitado pa kasi ang supply dati kaya ganun. Kaya sa tuwing may nakikita kami na dumidikit sa presyo namin, may pumapantay pa nga kung minsan, eh tuwang tuwa kami kasi hindi naman kami natatalo sa sitwasyon na yan, ang totoong PANALO diyan eh kayong mga magiging mamimili. Which is ayan naman talaga ang gusto naming mangyari ang bumaba ang presyo ng inyong pagpipiliang mga tindahan base sa kailangan niyong pyesa. Kahit hindi kami yung mabilhan ninyo ang importante nakakatulong kami sa mga grupo at sa lahat ng baguhan na magkaroon ng basehan ng presyo, yung magka idea kayo na puede palang ganito puede palang ganyan. Mas magiging abot kaya para sa lahat. Habang patuloy kami sa pag dagdag ng items sa mga inaalok naming brand new spare parts, unti unti may mga nakikilala din tayong kasamahan na magiging solidong parte at kasama sa ating libangan ... itutuloy