24/08/2026
Agosto 24 | 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗔𝗣𝗢𝗦𝗧𝗢𝗟 𝗦𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗥𝗧𝗢𝗟𝗢𝗠𝗘, Patron at Pintakasi ng bayan ng Malabon
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐈𝐬𝐫𝐚𝐞𝐥𝐢𝐭𝐚, 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚'𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐲𝐚!
Tuwing ika-24 ng Agosto, ay ipinagdiriwang sa Bayan ng Malabon ang Dakilang Kapistahan ng bunying Apostol, Martir, at Patron ng Bayang Malabon na si Apostol San Bartolome.
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni Apostol San Bartolome, nawa’y tularan natin ang kanyang matibay na pananampalataya at pagiging malapit kay Kristo. Nawa’y lagi nating piliing lumakad kasama Siya at tayo nawa'y manatiling tapat at mapagmahal sa Diyos tulad ng pagmamahal niya sa Diyos.
𝐈𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧, 𝐁𝐮𝐧𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐨𝐬𝐭𝐨𝐥 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐢𝐫, 𝐒𝐚𝐧 𝐁𝐚𝐫𝐭𝐨𝐥𝐨𝐦𝐞!
𝐇𝐈𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀 𝐀𝐏𝐎𝐒𝐓𝐎𝐋 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐈𝐑, 𝐒𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐓𝐎𝐋𝐎𝐌𝐄, 𝐈𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐌𝐎 𝐊𝐀𝐌𝐈!