22/07/2026
WHAT KIND OF ENGAGER ARE YOU?
By Bishop Emi Domingo
Sa social media, hindi pare-pareho ang engagement. Bawat reaction ay nagpapakita ng level ng connection ng isang tao sa message.
1. The Seen Zone 👀
Ito ang pinaka-passive na level. Nakita nila ang post, story, o video mo, pero dumaan lang sila—walang react, walang comment, walang share. Parang dumaan lang sa harap ng isang tindahan at sumilip sa bintana. Sa ministry, maaaring narinig nila ang mensahe ng biyaya, pero hindi pa ito tumatagos sa puso.
2. The Liker Level 👍
Ang "Like" ay simpleng acknowledgement. Kaunting effort lang pero sinasabi nitong, "Napansin ko ito. Maganda." Sa ministry, senyales ito na nagsisimula nang ma-appreciate ng isang tao ang mensahe ng grace.
3. The Lover Level ❤️
Mas malalim ang "Heart." Hindi lang ito appreciation—may emotional connection. Parang sinasabi niya, "This touched me." Sa ministry, maaaring may pagninilay, encouragement, o pagkilos na ng Diyos sa kanyang puso.
4. The Commenter Level 💬
Mas mataas ang level na ito dahil naglaan na siya ng oras para magsulat. Maaaring nagtanong, nag-agree, o nagbahagi ng testimony. Sa ministry, dito nagsisimula ang conversation, connection, at minsan ay discipleship.
5. The Amplifier Level 📢
Ito ang pinakamataas na level ng engagement. Hindi lang nila tinanggap ang mensahe—ibinabahagi pa nila ito sa iba. Nagla-like, nagha-heart, nagko-comment, at nagsha-share. Sa ministry, sila ang mga digital evangelists. Ginagamit nila ang kanilang social media para makarating ang ebanghelyo ng biyaya sa mas marami pang tao.
So, what kind of engager are you?
Seen-Zoner? Viewer? Liker? Lover? Commenter? O isa kang Amplifier?
Kung ang mensahe ng biyaya ay tunay na nakapagbago ng iyong puso, huwag mo itong sarilinin. Sa panahon ngayon, ang isang react, comment, o share ay maaaring maging binhing gagamitin ng Diyos upang maabot ang isang taong nangangailangan ng Kanyang biyaya.
Huwag lang maging viewer—maging sower. Huwag lang tumingin—magbahagi.
Let your online presence be more than a reaction—let it be a reflection of God's grace working in you. The apostle Paul writes, "So neither the one who plants nor the one who waters is anything, but only God, who makes things grow” (1 Corinthians 3:7).