14/04/2026
📢 PUBLIC ADVISORY
Patuloy pong pinaaalalahanan ang bawat Valenzuelano na magsuot ng face mask kasunod ng patuloy na masamang epekto ng sunog sa Navotas landfill na nagdudulot ng usok sa ilang parte ng ating lungsod.
🔴 Para sa kaligtasan ng lahat, mahigpit na ipinapayo ang sumusunod:
• Laging magsuot ng face mask (mas mainam kung N95 o katumbas)
• Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari
• Isara ang mga bintana at pintuan upang maiwasan ang pagpasok ng usok
• Iwasan ang outdoor activities tulad ng ehersisyo o pagtitipon
• Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration
• Gumamit ng air purifier o electric fan na may filter kung mayroon
Emergency hotlines:
8352-5000
8352-1405
+639178811639