EMWIN Clothing Boutique

EMWIN Clothing Boutique Discover adorable, budget-friendly preloved kids clothing! Shop sustainably, save money, and dress your kids in style!
(3)

From playful outfits to cozy essential, we offer gently used, high-quality pieces that your little ones will love all at amazing prices.

09/09/2026
27/08/2026

Magandang araw

Bilang magulang, hindi lang responsibilidad natin na mapakain, mapag-aral at mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak. Mas mahalaga pa rin na maihanda natin sila para maging mabuting tao.

Ang unang paaralan ng isang bata ay ang tahanan. Bago pa sila matutong bumasa, sumulat at magbilang, dapat matutunan muna nila ang respeto, kababaang-loob, pagiging responsable, pagiging magalang at paggawa ng tama kahit walang nakakakita.

Tayo ang unang halimbawa na nakikita nila. Kung gusto nating maging magalang sila, ipakita natin ang respeto. Kung gusto nating maging mabait sila, ipakita natin ang kabutihan. Kung gusto nating matutong magsabi ng totoo, maging tapat tayo sa kanila.

At oo, bahagi ng pagiging magulang ang pagdidisiplina.

Hindi ibig sabihin na kapag mahal natin ang anak natin, pagbibigyan na natin sa lahat ng gusto nila. Minsan, kailangan nating magsabi ng “hindi.” Kailangan silang itama kapag mali. Kailangan nilang matutunan na may consequences ang kanilang mga ginagawa.

Ang disiplina ay hindi kawalan ng pagmamahal. Minsan, ito mismo ang paraan ng pagmamahal natin sa kanila.

Hindi natin sila dinidisiplina dahil gusto natin silang takutin. Dinidisiplina natin sila dahil gusto nating matutunan nilang kontrolin ang sarili nila, malaman ang tama at mali, at maging responsable sa kanilang mga desisyon.

At higit sa lahat, bilang mga magulang na naniniwala sa Diyos, turuan natin silang magkaroon ng takot sa Diyos hindi takot na parang pangamba, kundi malalim na paggalang, pagmamahal at pagkilala na may Diyos na gumagabay sa kanilang buhay.

Turuan silang manalangin. Turuan silang magpasalamat. Turuan silang humingi ng tawad. Turuan silang gumawa ng tama kahit walang nakakakita. Turuan silang maging mabuti hindi dahil may reward, kundi dahil alam nilang iyon ang nararapat.

Dahil hindi natin makakasama ang ating mga anak sa bawat lugar na pupuntahan nila. Hindi natin mababantayan ang bawat desisyon nila. Darating ang araw na sila na mismo ang pipili kung ano ang tama at mali.

Kaya habang maliit pa sila, habang nasa ilalim pa sila ng ating pangangalaga, gamitin natin ang panahon upang itanim sa kanilang puso ang mabuting asal, disiplina, respeto at pananampalataya.

Hindi natin kailangang palakihin ang anak na perpekto.

Ang hangad natin ay anak na marunong rumespeto, marunong umako ng pagkakamali, marunong makitungo sa kapwa, marunong tumayo sa tama, at higit sa lahat, marunong kumilala at sumunod sa Diyos.

Ang pagpapalaki ng anak ay hindi lang paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ito rin ay paghahanda sa kanila na maging mabuting tao sa mundong kanilang tatahakin.

Kaya bilang magulang, gabayan natin sila habang kaya pa natin. Ituro ang tama. Itama ang mali. Disiplinahin nang may pagmamahal. At higit sa lahat, turuan silang lumakad kasama ang Diyos.

Dahil ang pinakamagandang maiiwan natin sa ating mga anak ay hindi lamang mga bagay na maaari nating ibigay, kundi mga pagpapahalagang dadalhin nila habang buhay.

07/08/2026

Nasa harap ako ng klase, tapos bigla kong sinabi...
"Labas ang calculator. Solve natin ang Cronbach's Alpha." 😌
Anong unang pumasok sa isip n'yo? 😂👇

23/06/2026
Mannequin for saleWith Stand1800 only-kid with stand-female with stand- female hanging-kids hanging
20/06/2026

Mannequin for sale
With Stand
1800 only
-kid with stand
-female with stand
- female hanging
-kids hanging

04/05/2026

Address

Victoria Oriental Mindoro
Victoria
5205

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EMWIN Clothing Boutique posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share