28/03/2026
Marami talagang napikon sa sinabi ni Carlos Yulo sa Fast Talk with Boy Abunda with Boy Abunda Pero kung iisipin mo, may point talaga siya—kahit hindi tanggap ng iba.
Hindi porket ikaw ang nakaangat, automatic na responsibilidad mo na buhatin buong pamilya—lalo na kung pare-pareho naman kayong nagsimula at may parehong opportunity.
Dito pumapasok yung toxic Filipino mindset na “pag may umangat, dapat damay lahat.” Maganda pakinggan, pero minsan nagiging unfair na—lalo na kung yung iba, hindi naman nag-eeffort the same way.
Success is personal.
Hindi siya napapamana, hindi rin siya libre.
Yung sinabi niya na, “just because I experienced this doesn’t mean you experienced the same,” totoo naman. Kahit same environment, iba-iba pa rin ang diskarte, sakripisyo, at choices ng bawat isa.
Ang mas malalim na issue dito is yung culture of obligation. From utang na loob, nagiging pressure na siya. Yung tipong expected ka na magbigay kahit wala na sa lugar—or kahit napipilitan ka na lang.
Helping your family? Walang mali doon.
In fact, ang ganda nun.
Pero dapat galing sa puso—hindi dahil napilitan ka, hindi dahil obligado ka.
Kasi at the end of the day,
hindi mo kailangan buhatin lahat para masabing mabuti kang anak o kapatid.
Minsan, mas malaking tulong pa nga yung tinuturuan mo silang tumayo sa sarili nilang paa.
Angree ba kayo mga ka ?
-repost